Linggo, Mayo 15, 2011

poem

KASALANAN 151
-Wylibeth Lumpias 


Ano 'to?
            Apoy na bumabagabag sa inosente kong pag-iisip
            Umaapoy, lumalakas, bumubuga
            Nasasaktan ako, oo totoo
            Ikaw ang bumalot sa buo kong pagkatao.

Ano 'to?
            Aninong sumusunod sa dahas kong gawi
            Itim, malamig, nakakatakot
            Nasasaktan ako, oo totoo
            Ikaw ang sumapi sa buo kong pagkatao.

Ano 'to?
            Ako, na kinilala kong noon pa man
            Tao, kaibigan at kalaguyo ng mundong madilim
            Nasasaktan ako, oo totoo
            Ako, ikaw ang demonyo sa buo kong pagkatao.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento